Ihasik ang binhi ng magandang buhay, Maging sa umaga o tanghali man, At ang pag-aani kapag dumatal, Kakamtin ang ating pinagpaguran.
REFRAIN
Ang ating binhi ay magbubunga, Aanihin nating walang pagsala; Ang ating puso ay liligaya, Ang pinagpaguran kung makita na.
Ihasik ang binhi at h'wag katakutan Ang lamig ng ula't init ng araw, Aanihin natin pagsapit ng araw Ang bunga ng ating pinagpagalan.
Ang binhi ni Kristong sa ati'y iniwan Ihasik din kahit may kahirapan, Ang pagod at luha kung mangakaraan Ang bungang kasunod ay katuwaan.